Top winners sa 2nd Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang ASAP mainstays na sina Sarah Geronimo, Eric Santos, Christian Bautista, Jericho Rosales, at Yeng Constantino.
Kabilang si Christian sa mga host ng parangal, with Jolina Magdangal and Ms. Kuh Ledesma.
Ginanap kagabi, October 10, ang ikalawang taon ng Star Awards for Music sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University, Loyola Heights, Q.C. May telecast ngayong October 11, 10 p.m. to 12 midnight, sa cable channel na Net25.
Si Sarah ang nag-uwi ng pinakamataas na parangal bilang Female Recording Artist of the Year para sa album niyang Music and Me ng Viva Records. Ang kanyang counterpart as Male Recording Artist of the Year ay sina Christian at Erik.
Nag-tie para sa nasabing parangal ang kapwa mahusay na singer-recording artists ng kasalukuyang panahon. Si Erik para sa ni-record niyang mga awitin ng foreign singer na si Jim Brickman, ang The Jim Brickman Songbook ng Star Records, at si Christian para sa kanyang revival album ng mga awitin ni Jose Mari Chan, angRomance Revisited: the Love Songs of Jose Mari Chan, na ni-release ng Universal Records.
Bukod sa nasabing award, nagwagi rin si Erik bilang Male Pop Artist. Katuwang niya as Female Pop Artist of the Year si Nina para sa album niyang Renditions of the Soulmula sa Warner Music.
Napiling Album of the Year ang Lapit ni Yeng Constantino, samantalang nagwaging Song of the Year ang "Pusong Ligaw" na sariling komposisyon ni Jericho Rosales. Kabilang ito sa album ng actor-singer na pinamagatang Change at ni-release ng Star Records.
Big winner din sa lineup si Piolo Pascual na nag-uwi ng dalawang trophies this year: Decades ng Star Records as Revival Album of the Year and Album Cover Design of the Year.
Si Piolo rin ang napiling Male Star of the Night, katuwang si KC Concepcion bilang Female Star of the Night.
Sa Male and Female Faces of the Night category, nagwagi naman sina Jericho at Sarah, respectively.
OTHER FAVORITES. Sa ikalawang pagkakataon ay nanalo sa kategoryang Female Acoustic Artist of the Year si Aiza Seguerra para sa album niyang Aiza Seguerra Liveng Star Records. Nag-tie sila ni Sabrina for I Love Acoustic Too ng MCA Music, Inc.
Mula naman sa GMA Records, nagwagi bilang Compilation Album of the Year angThe Best of Mga Awit ng Kapuso, at ang Kasiping, featuring La Diva, bilang Music Video of the Year. Ang MTV na ito'y idinirek ni Louie Ignacio.
Ang La Diva rin ang napiling winner sa kategoryang Duo/Group Artist of the Year para sa kanilang self-titled album mula sa GMA Records at Sony Music.
Sa mga kategoryang Rap, Jazz, Novelty, R & B, at Rock Artists and Albums ay hindi nakasipot ang mga winners, kundi man na-late ang mga ito at nagpasalamat na lang when it was their turn to deliver their thank-you speeches bilang presenters.
Tuwang-tuwa ang rapper-comedian na si Andrew E sa una niyang panalo ng Star trophy bilang producer ng rap album na Clubzilla under his Dongalo Wreckords label. Naka-tie nito as Rap Album of the Year ang Chika Lang 'Yon mula sa Alpha Records. Pero hindi personal na natanggap ni Andrew E ang kanyang trophy.
Young singer-performer Charlie Green, on the other hand, was nowhere nang tawagin siyang winner bilang Jazz Artist of the Year para sa A Friend Like You ng Viva Records.
Wala rin sa venue ang Novelty Artist na si Blakdyak who won for Sino Ba? ng Viva Records. Ang kanyang misis ang tumanggap ng parangal on his behalf.
In full force naman ang grupong Masculados Dos sa pagtanggap ng parangal para sa kanilang self-titled novelty album.
Kung si Andrew E ay humabol sa awards night, ang R&B winner namang si Jay-R ay isa sa pinakamaagang dumating kasama ang kanyang girlfriend na sa Krista Kleiner. Pero wala na rin nang tawaging winner sa kategoryang R&B Artist of the Year para sa Jay-R Sings OPM ng Universal Records.
Significant ang pananalo ng rock album na In Love and War dahil ito'y huling kolaborasyon ng former Eraserheads vocalist na si Ely Buendia at ang yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.
As Rock Artist of the Year, nagwagi naman ang Slapshock para sa album nitong Cariño Brutal under PolyEast Records.
Sa mga baguhang singer-recording artists ay nagwagi sina Rhap Salazar (New Male Recording Artist) para sa self-titled debut album niya under Star Records at Princess Velasco (New Female Recording Artist) para sa Addicted to Acoustic 1 ng Vicor Records.
EVENING WITH PILITA. Pinakatampok na bahagi ng Star Awards for Music ang pagkakaloob ng Lifetime Achievement Award sa isang institusyon sa larangan ng musika, si Ms. Pilita Corrales.
Nauna rito ang pag-awit ng La Diva ng medley of Pilita's well-loved songs, tulad ng "A Million Thanks To You," "Kapantay Ay Langit," "Usahay," among others.
Sa kanyang talumpati, nagpahayag ang tinaguriang Asia's Queen of Songs ng pasasalamat sa PMPC dahil naipagkaloob sa kanya sa unang pagkakataon ang parangal na ugnay sa kanyang propesyon sa daigdig ng musika.
"In the past, I have been receiving awards for the other things I do or other Lifetime Achievement awards, but this is the first time I am receiving an award for music. So I am greatly honored.
"Music is my life. My life is singing and learning songs. This is an important award that I will forever cherish," saad ni Ms. Pilita.
Nasa gabi ng parangal ang tatlong kaibigan ni Pilita: sina German Moreno, Freddie Aguilar, at ang sekretarya niyang si Ester bilang presenters. Hindi nakadalo ang dalawang anak ni Pilita na sina Jackie Lou Blanco at Ramon Christopher, pero masayang-masaya si Jackie Lou sa kanyang mga ipinahayag sa VTR tribute for her mom, kasama sina Kuya Germs at Ricky Reyes.
Ugnay rin sa temang "Celebration of OPM Music and Artists" ang pagpupugay sa mga mang-aawit na nagdulot ng karangalan sa bansa sa kanilang larangan, tulad nina Lea Salonga at Charice Pempengco.
Tumagal ng mahigit tatlong oras ang taped-as-live na pagtatanghal ng 2nd Star Awards for Music sa pakikipagtulungan ng PMPC at cable station Net-25.
Kabilang sa mga nag-perform sina Kuh Ledesma (opening number), Frencheska Farr, Geof Taylor, La Diva, The Company, Erik Santos, Ballet Philippines, at sa finale, ang UP Singing Ambassadors with Nanette Inventor.
Narito ang kumpletong listahan ng mga nagsipagwagi sa 2nd PMPC Star Awards for Music:
Album of the Year: Lapit - Yeng Constantino / Star Records
Song of the Year: "Pusong Ligaw" - Jericho Rosales / Change / Star Records
Song of the Year: "Pusong Ligaw" - Jericho Rosales / Change / Star Records
Female Recording Artist of the Year: Sarah Geronimo - Music and Me / Viva Records
Male Recording Artist of the Year: (tie) Christian Bautista - Romance Revisited: the Love Songs of Jose Mari Chan / Universal Records and Erik Santos - The Jim Brickman Songbook / Star Records
Duo / Group Artist of the Year: La Diva - GMA Records and Sony Music
Music Video of the Year: "Kasiping" - La Diva / GMA Records
Dance Video of the Year: "Supahdance 2" / Star Records
Pop Album of the Year: The Jim Brickman Songbook / Star Records
Male Pop Artist of the Year: Erik Santos - The Jim Brickman Songbook / Star Records
Female Pop Artist of the Year: Nina - Renditions of the Soul / Warner Music
Rock Album of the Year: In Love and War - Ely Buendia & Francis M / Sony Music
Rock Artist of the Year: Slapshock - Carino Brutal / Poly East Records
Acoustic Album of the Year: Aiza Seguerra Live / Star Records
Female Acoustic Artist of the Year: (tie) Aiza Seguerra - Aiza Seguerra Live / Star Records and Sabrina - I Love Acoustic Too / MCA Music Inc
Male Acoustic Artist of the Year: Chris Cayzer - The Only Thing / Warner Phil
Rap Album of the Year: (tie) Chika Lang Yon / Alpha Records and Clubzilla / Dongalo Wreckords
Rap Artist of the Year: Blanktape - Chika Lang Yon / Alpha Records
R&B Artist of the Year: Jay-R - Jay R Sings OPM / Universal Records
Revival Album of the Year: Decades / Star Records
New Male Recording Artist of the Year: Rhap Salazar - Rhap Salazar / Star Records
New Female Recording Artist of the Year: Princess Velasco - Addicted to Acoustic 1 / Vicor Records
New Male Recording Artist of the Year: Rhap Salazar - Rhap Salazar / Star Records
New Female Recording Artist of the Year: Princess Velasco - Addicted to Acoustic 1 / Vicor Records
Album Cover Design of the Year: Decades / Star Records
Compilation Album of the Year: The Best of Mga Awit ng Kapuso / GMA Records
Compilation Album of the Year: The Best of Mga Awit ng Kapuso / GMA Records
Novelty Artist of the Year: Blakdyak - Sino Ba? / Viva Records
Novelty Album fo the Year: Masculados Dos / Universal Records
Novelty Song of the Year: "Nagmahal Ako ng Bakla" / Ivory Music
Jazz Artist: Charlie Green - A Friend Like You / Viva Records
Novelty Album fo the Year: Masculados Dos / Universal Records
Novelty Song of the Year: "Nagmahal Ako ng Bakla" / Ivory Music
Jazz Artist: Charlie Green - A Friend Like You / Viva Records
Lifetime Achievement Award: Ms. Pilita Corrales
Female Face of the Night: Sarah Geronimo
Male Face of the Night: Jericho Rosales
Female Star of the Night: KC Concepcion
Male Star fot he Night: Piolo Pascual
Male Face of the Night: Jericho Rosales
Female Star of the Night: KC Concepcion
Male Star fot he Night: Piolo Pascual
Source: pep.ph
Filipinos are really proud all of you because you are a great singer. Anyway, congratulations I am so proud you also.
ReplyDeleteGreg | Latest Celebrity News